Holy Family Academy envisions a renewing school community that:

- is Christ-centered
- develops human wholeness and
- upholds the common good.

HFA - HS BUWAN NG WIKA AT KASAYSAYAN, PINAGPUGAYAN

 

 Ang Buwan ng Agosto ay tunay na makabuluhan at makulay taon-taon dahil sa mga pagdiriwang na tunay na inaabangan.  Ang Holy Family Academy, Kagawaran ng Mataas na Paaralan ay kaisa sa pagpapalalim sa pagmamahal sa wika at kultura. 

 Sa ikalawang pagkakataon, pinagsanib ang dalawang kaguruan, ang Filipino at Araling Panlipunan sa pamumuno nina Gng. Mildred S. Santos at Gng. Yolanda B. Macapagal upang isinakatuparan ang dalawang programang kinatampukan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan upang isabuhay sa kasalukuyan, pagkakaroon ng kamalayan ng Pilipino sa lipunan, at ang tamang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang kasapi sa globalisasyon.  Ito ang Buwan ng Wikang Pambansa na may paksang-diwa, “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran at Buwan ng Kasaysayan na may paksang-diwa, “Baliktanaw: Kasaysayang Humubog sa Bayan.

 Tunay na naging makabuluhan ang Buwan ng Wika at Kasaysayan dahil sa mga gawain at timpalak na kinapulutan ng aral.  Inumpisahan ang pagbubukas ng buwan sa pamamagitan ng  Banal na Misa na pinasinayaan ni Padre Marianito Mallari.  Sinundan ito ng pagbibigay ng dalawang palihan na pinaunlakan ng dalawang tagapagsalitang bihasa sa kani-kanilang larangan.  Si Kagalang-galang Edgardo Pamintuan, alkalde ng lungsod ng Angeles ay nagbigay ng mensahe  patungkol sa mabuting pamamalakad na nilahukan ng lahat ng miyembro ng paaralan.  Pagsapit naman ng hapon, si Gng. Charisse B. Mendoza ay nagbigay ng palihan patungkol naman sa Filipino bilang wika ng kaunlaran na nilahukan ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang.

 Pagdating naman sa mga patimpalak, nagpagalingan ang mag-aaral ng ikapitong baitang sa pagguhit. Pinakita naman ng ikawalong baitang ang talento sa Montage.  Nakipagsabayan ang ikasiyam na baitang sa paggawa ng Collage at hindi nagpahuli ang ikasampung baitang sa pagkuha ng larawan na ipinaliwanag sa pamamagitan ng panulaan.  Nakibahagi rin  ang mga empleyado at piling mag-aaral dahil nakipagsabayan din sila sa talas ng isip sa Singkatalino sa Filipino at Pautakan sa Kasaysayan.

 Sa araw naman ng pagpipinid, ipinakita ng mga piling mag-aaral at guro ang angking galing sa pag-arte, pagsayaw at pag-awit upang baliktanawin ang kasaysayan ng kultura at wika ng Pilipinas na talaga namang hinangaan at pinalakpakan at nagpatunay na maganda ang kuwento sa wikang Filipino at may saysay na taglay ang Kasaysayan.

 Natapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkilala sa mga nagsipanalo sa iba’t ibang patimpalak.

SINGKATALINO SA FILIPINO (Pangmag-aaral)

IKAPITONG BAITANG

  • IKATLONG GANTIMPALA – Cyra Tolentino at Matthew Andre Baluyut ng 7 Justice
  • IKALAWANG GANTIMPALA – Louise Adrianna Ong at Samantha Beatriz Aguas ng 7 Charity
  • UNANG GANTIMPALA – Maxinne Alexis Salangsang at Julien Andrei Santos ng 7 Patience

IKAWALONG BAITANG

  • IKATLONG GANTIMPALA – Colleen Canivel at Camille Recio ng 8 Peace
  • IKALAWANG GANTIMPALA – Bernice Riveral at at Angelo Montemayor ng 8 Amity
  • UNANG GANTIMPALA – Ella Evangelista at Vincent Anquilan ng 8 Counsel

IKASIYAM NA BAITANG

  • IKATLONG GANTIMPALA – Nicoleth Manarang at Vince Kenneth Ramos ng 9 Hosea
  • IKALAWANG GANTIMPALA – Jeriko Leonardo at John Harvey Juco ng 9 Exodus
  • UNANG GANTIMPALA – Kassandra Lou Tañedo at Joshua Lorenzo ng 9 Ezekiel

IKASAMPUNG BAITANG`

  • IKATLONG GANTIMPALA – Carl Jay Cunanan at Carlo Juden Sarmiento ng 10 Hebrews
  • IKALAWANG GANTIMPALA – Renest Shaquille Punzalan at Brian Patrick Boado ng 10 Romans
  • UNANG GANTIMPALA – Gian Denzel Liguid at Faye Liwanag ng 10 Acts

PANG-EMPLEYADO

  • IKATLONG GANTIMPALA – G. Sedrick Paras, G. Jesser Duran, G. Fergie Guevarra at Bb. Maria Grace Mabesa ng Science Area
  • IKALAWANG GANTIMPALA – G. Rommel Antonio, G. Mark Marvin Dizon, G. Juan Gonzales Jr. III at G. David Santos ng Math Area
  • UNANG GANTIMPALA – G. Earl Jareau Alfonso, Gng. Ma. Gizelle Diaz, Bb. Kathy Rose Santos, at Bb. Mona Jean Rivera ng LINGAP

MGA GAWAING PANSILID-ARALAN

IKAPITONG BAITANG: TIMPALAK PAGGUHIT

  • IKATLONG GANTIMPALA – Patience
  • IKALAWANG GANTIMPALA – Intregrity
  • UNANG GANTIMPALA – Charity

IKAWALONG BAITANG: TIMPALAK MONTAGE

  • IKATLONG GANTIMPALA – Amity
  • IKALAWANG GANTIMPALA – Piety
  • UNANG GANTIMPALA – Peace

IKASIYAM NA BAITANG: TIMPALAK COLLAGE 

  • IKATLONG BAITANG – Exodus
  • IKALAWANG BAITANG – Ezekiel
  • UNANG GANTIMPALA – Micah

IKASAMPUNG BAITANG: TIMPALAK KARATULASTASAN

  • IKATLONG GANTIMPALA – Romans at Philippians
  • IKALAWANG GANTIMPALA – Acts
  • UNANG GANTIMPALA - Galatians

Ang Holy Family Academy—Kagawaran ng Mataas na Paaralan at Kaguruan ng Filipino at Araling Panlipunan sa pakikipagtulungan ng Ugnayan Sa Asignaturang Filipino at Social Science Club muling magbibigay-pugay para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may paksang diwa: Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran at Buwan ng Kasaysayan

 Sa pagpapatuloy ng ating nakagisan., ang mga NAGPADALOY, ang mga NAGPAPADALOY at ang mga MAGPAPADALOY sa pagpapayabong sa kahalagahan ng wika sa paghubog ng ating lipunan...

Grade School

Monthly Activities

 

Go to top