Kulturang Nagniningning Sa Modernong Tugtugin

Kauna-unahang PPOP Caravan sa Pampanga, inihandog sa Familians 🎵💃
Ngayong Enero 9 2026, matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang Philippine Pop Music and Culture Caravan sa Pampanga sa Holy Family Academy (HFA). Layunin ng programang ipakita ang ugnayan ng makabagong musika at mayamang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang workshop o gawain at pagtatanghal.
Binuksan ang caravan sa Baybayin Workshop na pinangunahan ni G. Jaime V. Hernandez Jr. ng Baybayin Buhayin, kung saan muling binigyang-diin ang kahalagahan ng sinaunang sistema ng pagsulat ng bansa.
Sinundan ito ng Tunog Workshop ng TALAHIB.ph, na nagpakilala sa mga mag-aaral sa mga tradisyunal na instrumentong Pilipino at sa kanilang papel sa kasaysayan ng musika.
Nagbigay naman ng sigla at galaw ang Indak Workshop sa pangunguna ni Alpha ng 1STONE, na nagturo ng pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng sayaw.
Nagtapos ang programa sa isang PPOP Concert tampok ang VIVID, 1STONE, NEWID, at KAIA, na nagbigay-aliw at inspirasyon sa mga manonood.
Sa kabuoan, ang kauna-unahang PPOP Caravan sa Pampanga ay nagsilbing makabuluhang pagdiriwang ng sining, kultura, at kabataang Pilipino.
✍️ Jarabelo Jesu
📷 Anika Loon, Catherine Lugtu, Jaz Chantengco, Max Fabian, & Reuel Sundiam

Scroll to Top